Mga Post

The Consumer Society and New Means of Consumption

Kilala bilang isa sa pinakamayamang tao si Henry Sy kung saan sya ay nagtatag ng isa sa mga pinakasikat na pamilihan ng tao, ang SM. Sa loob ng SM makikita mo ang iba't-ibang uri ng tao, may kanya-kanya silang mga binibili at pinupuntahan. Minsan, habang ako ay naglalakad-lakad, iniisip ko kung ano ang nasa isip ng ibang tao, kung bakit sila nandoon at iba pa. Marahil sila rin ay mayroong kaparehas na dahilan ng akin. Sa isang mall sa Alabang, may isang tindahan ng Milk tea na ang pangalan ay "Coco", isa sa mga pinipilahang mga tindahan sa mall na ito. Kung iisipin, sila isang normal na milk tea lang naman din ang itinitinda rito, ngunit bakit kaya napakahaba ng pila rito? Malalaman natin yan kung iisipin natin ang sinasabi ni Ritzer. Ayon kay Ritzer, ang lipunan ngayon ay patuloy ang pagbili ng pagbili ng maraming bagay. Maraming mga sumisikat na kagamitan ngayon, halimbawa ang cellphone. Patuloy ang pag-usbong at pag-unlad ng teknolohiya sa panahon ngayon at isa sa mg...

Rise of Consumer Society

Mula sa ating mga napag-usapan ayon sa mga ideya ni Marx, naipakita na ang mga kapitalista ay kinokontrol at inaalipin ang mga taong nasa ibaba nila. Astig diba? Charot lang! Hahaha! Pero matalino rin ang mga kapitalista, di sila nagpaiwan sa panahon. Kakaibabe! Kung dati sila ay nang-aalipin ng mga taong nasa ibaba nila sa produksyon. Aba! Matalino ang mga hayop! Nagamit nila ang pagiging materyalistik ng mga tao sa kanilang pang-aalipin. Alam nyo naman ang mga tao, basta may pera, hala sige! Bili lang bili! Kaya ayun nagamit ito ng mga kapitalista. Yan ang napansin ni Jean Baudrillard(parang John ang bigkas sa kanyang pangalan). Napakatalino at mapagmatyag ni Ginoong Baudrillad na isang Pransiskanong sosyolohista. Napansin nya na ang mga kapitalista ay kinokontrol ang mga tao sa kung anong kanilang binibili. Ang mga tao naman, basta may bagong lalabas na produkto o kaya naman ay may mga sumisikat sa karamihan, sila ay bibili. Madali silang nalilinlang ng mga kapitalista. Gumaw a...

Feminismo

Ako bilang lalaki ay naguguluhan kung dapat ba na maging "gentleman ako" sa isang mundong mayroon nang mga tao na naniniwalang pantay pantay ang lalaki at babae. Nais kong mabigyang linaw ito sa tulong ng mga teorya ng feminismo.  Katulad ng nabanggit ng aking guro, ano nga ba ang pinagmulan ng patriyarka? O talaga nga bang lalaki ang dominado noong unang panahon? Kung makikita natin na may tribo pala na ang dominado ay mga babae, ang aking tanong ay nasa "gender" nga ba ang problema? Ang mga titulo bilang "lalaki" at "babae" ba ay nakakaapekto kung sino ang dapat mamuno at maghari sa lipunan? Sa aming mga diskusyon, may mga bagay kaming naisip tungkol sa usaping feminismo.  Maaari bang ang lipunan, kahit sino ang maging dominado, magkakaroon pa rin ng mga adbokasya sa pakikipaglaban sa "gender", na nararapat ay pantay-pantay lamang. Ang mga feminista ay nakikipaglaban upang magkaroon ng pantay na karapatan ang lalaki sa baba...

Mcdonaldization

Isa sa mga paborito nating pagkain ay matatagpuan, hindi sa loob ng ating mga bahay kundi sa loob ng "fast food".  Sa loob nito nabubuo ang iba't-ibang mga usapan ideya at kabusugan. Ngunit sa loob din ng isang fast food ay makikita ang isang ideya na ginamit ng maraming mga namumuno upang sila ay maging maunlad. Ikaw bilang isang parokyano ng kanilang mga produkto, wala kang pakialam sa kung anong nangyayari sa loob ng kanilang kusina. Ang mahalaga lamang sa'yo ay ang makuha ang iyong order  at kumain. Ngunit kung titignan natin ng mabuti, may kung anong nangyayari sa loob nito, isang hindi makataong pamamaraan na syang patuloy na ginagawa hanggang sa ngayon. Kung ikaw ay magiging isang trabahador ay makikita mo at mapagtatanto mo na ang iyong mga ginagawa bilang isang trabahador ay limitado lamang sa kung anong sinasabi sa'yo. Ikaw ay isang parang makina na gagawin lamang kung ano ang nakaatas mong gawin. Dahil sa kagustuhan ng mga namumuno na maging maunlad...

Rationalization

Kung mapapansin natin sa ating kapaligiran, maraming mga signages ang nakalagay sa kaliwa't kanan ng ating daan. Bawal tumawid dito nakamamatay, bawal umihi dito, bawal magtapon ng basura dito, at marami pang iba. Tayo ay nabubuhay sa isang organisadong lipunan kung saan maraming batas at mayroong sistemang sinusunod. Tayo ay nabubuhay ngayon sa isang modernong lipunan, at ayon kay Weber, upang mas maintindihan natin ang makabagong lipunan kailangan natin ng rationalization. Dito tinigtignan natin ang lipunan ayon sa mga indibidwal. Tayo ay nagrarationalize kahit sa mga simpleng bagay. Halimbawang ikaw ay papasok sa eskwelahan, iisipin mo kung ano ang pinakamabilis o madaling paraan upang makarating sa iyong pupuntahan. Sa ating lipunang kinabibilangan ngayon, titignan natin kung paano nagiging organisado ang ating lipunan. Mayroon tayong mga batas na sinusunod upang maging maayos at magkaroon ng sistema. Ito ay ipinapatupad ng ating mga namumuno. Nakakabilib isipin na ang t...

Revolution

Isa si Karl Marx sa mga sikat na identidad sa larangan ng ekonomiks at sosyolohiya dahil sa kanyang mga kamangha-manghang mga ideolohiya. Ngayon nais kong ihayag sa inyo anu-ano ang aking mga pananaw ukol sakanyang mga ideolohiya. Para kay Marx rebolusyon ang sagot upang magkaroon ng pagbabago sa sistema. Si Marx ay hindi umaayon sa kapitalismo, at upang mabago ang ganitong sistema, kinakailangang magrebolusyon ng mga tao. Ang mga tao ay may kakayahang maging perpekto at magawa ang mga bagay na naaayon sa kanilang mga kakayahan. Ngunit ang mga tao ngayon ag nabubuhay na lamang upang mabuhay, sila ay nagtatrabaho upang kumita, at ang kanilang kikitain ay gagamitin nila upang sila ay makabili ng mga bagay na kailangan nila upang mabuhay katulad ng pagkain, damit, tubig, tirahan at iba pa. Sila ngayon ay nakakulong sa ganitong kaisipan na katulad ng pamumuhay ng mga hayop. Ngunit nararapat na malampasan ng tao ang ganitong uri ng pamumuhay, ang tao ay may consciousness di katulad ng ...

Ayon kay Durkheim

Napapansin nyo ba na sa isang opisina mayroong iba't-ibang ginagawa ang bawat isa. Ngunit halimbawa, sa isang pamilya kung saan di kasing dami ng nasa opisina ang tao. Kaya naman ang mga gawaing pambahay ay maaaring gawin ng kahit sino, depende sa desisyon ng may pinakamataas na kapangyarihan, ang nanay at ang tatay. Ito ay ipinaliwanag ni Durkheim sakanyang ideya tungkol sa mechanical solidarity at organic solidarity. Ang dami ng tao ay patuloy na nadaragdagan at kung ating iisipin hindi ganito karami ang tao dati. Anong sistema kaya ang meron noong mga panahong kakaunti pa lamang ang mga tao? Makikita natin na noong lumang panahon, ang sistema ng pamamahala dati ay pinamumunuan ng mga hari at reyna, kung saan ang paniniwala ay idinidikta lamang ng mga namumuno, kapag ikaw ay sumubok na mag-iba ng paniniwala, ika'y maparurusahan. Ayon kay Durkheim ang ganitong pagkakabuklod-buklod ay tinatawag na Organic Solidarity. Ito ay naaayon sa mga pagkakapare-parehas ng pinaniniwal...