Feminismo

Ako bilang lalaki ay naguguluhan kung dapat ba na maging "gentleman ako" sa isang mundong mayroon nang mga tao na naniniwalang pantay pantay ang lalaki at babae. Nais kong mabigyang linaw ito sa tulong ng mga teorya ng feminismo. 

Katulad ng nabanggit ng aking guro, ano nga ba ang pinagmulan ng patriyarka? O talaga nga bang lalaki ang dominado noong unang panahon? Kung makikita natin na may tribo pala na ang dominado ay mga babae, ang aking tanong ay nasa "gender" nga ba ang problema? Ang mga titulo bilang "lalaki" at "babae" ba ay nakakaapekto kung sino ang dapat mamuno at maghari sa lipunan? Sa aming mga diskusyon, may mga bagay kaming naisip tungkol sa usaping feminismo. 

Maaari bang ang lipunan, kahit sino ang maging dominado, magkakaroon pa rin ng mga adbokasya sa pakikipaglaban sa "gender", na nararapat ay pantay-pantay lamang.

Ang mga feminista ay nakikipaglaban upang magkaroon ng pantay na karapatan ang lalaki sa babae. Aking napagisip-isip na bakit may mga babae pa rin na ipinaglalaban ang chivalry? Mayroong mga dibisyon sa mga paniniwala kahit sila ay may iisang kasarian lamang. At mayroon din naman na mga babaeng naniniwala sa feminismo, gayun din sa chivalry. 'di ba nagiging kontra ang kanilang mga paniniwala?
May ilan na feminista ngunit sinasabi na nararapat pa rin na  maging "gentleman" ang mga kalalakihan.
Tunay nga ba na ang ipinalalaban ng ilan sa kanila ay pagkakapantay-pantay o dominasyon ang nais nilang mangyari kung saan nagiging mas mababa na ang lalaki sa babae. Kung sakaling mangyayari ang ganito, magkakaroon nanaman ng adbokasya, at ito ay magpapaikot-ikot lamang ng walang humpay at hindi makakamit ang sinasabing pagkakapantay-pantay ng karapatan. 

Marami akong tanong tungkol sa feminismo na nais kong masagot sa pammagitan ng iba't-ibang opinyon ng mga kababaihan. Ilan dito ay tungkol sa ang problema nga ba ay ang gender, o nakadepende ito sa pananaw ng karamihan na syang nagiging paniniwala hanggang sa mga sumunod na henerasyon.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

The Consumer Society and New Means of Consumption

Ayon kay Durkheim