Sociological Imagination

              Ano nga ba ang ating mga nalalaman sa lahat ng mga nangyayari sa ating komunidad? Tayo ba ay may pakialam sa kung anong mga nagaganap?

             "Sociological Imagination" kung tawagin ni Charles Wright Mills, isang pagtingin sa relasyon sa pagitan ng ating lipunan at ng ating mga sarili. Upang mas maitindihan natin, tignan muna natin ang kaibahan ng "trouble" at ng isyu. Ang "trouble" ay ang mga pansariling problema ng bawat indibidwal, samantalang ang isyu ay ang mga problemang kinakaharap ng isang lipunan. Halimbawa, ang isang tao ay walang makain, ito ay trouble kung tatawagin, at ang isyu naman ay kapag maraming tao sa isang lipunan ang walang makain. Ngayon makikita natin na kung tayo ay may "Sociological Imagination", makikita natin ang sarili natin at kung ano tayo sa ating lipunan. Ito ang magiging susi upang tayo ay magkaroon tayo ng mas maayos na lipunan. Kung tayo ay magkakaroon ng paki sa ating lipunan, mapapansin natin ang mga isyu na binubuo ng iba't ibang mga problema ng bawat indibidwal kabilang ang ating sarili.

             Ayon kay Mills, ang Sociological Imagination ay  isang uri ng kritikal na pag-iisip dahil ito ay isang abilidad na masuri at tignan ang buhay ayon sa mga pansariling karanasan at mga pangyayari noong nakaraan hanggang sa kasalukuyan. Tinalakay din ni Mills ang iba't-ibang mga problema sa lipunan dulot ng kakulangan sa tinatawag ni Mills na Sociological Imagination, isa rito ang unemployment kung saan ang isa o maraming tao sa lipunan ay di nabibilang sa isang grupo o kabuuan kung saan sila ay nararapat. Kasama rin sa nakikitang problema ni Mills ang mga taong wala pakialam sa kung anong nangyayari sa lipunan, marahil sila ay takot o sadyang hindi lamang gustong makisali sa mga bagay na may kinalaman sa lipunan at gustong manatili sa kanilang pribadong buhay. Pangatlo ay ang mga banta sa demokrasyang mayroon ang karamihan sa mga bansa, isang banta ay ang tinatawag na Plutocracy kung saan ang mga mayayaman ang namumuno at ito ay hindi nalalaman ng mga mamamayan na nasa ibaba. At dahil sa mga banta sa demokrasya, maaaring magpatuloy na lumala ang mga karapatang pantao o ang mismong kalayaan nito. Halimbawa ang mga hindi demokratikong bansa kung saan ay sa kasalukuyang panahon, inaabuso ang kanilang kapangyarihan at nawawala na ang kalayaan ng mga tao. At ang huli ay ang hindi pagkakasundo ng tinatawag na bureaucratic rationality at ng human reason. Lahat ng mga problemang ito ay nakikita ni mills na problema sa lipunan ng bansang Amerika.

               Ngayon kung babalikan natin ang pinagkaiba ng trouble at issue maaari nating mahinuha na ang nais iparating ni Mills tungkol sa Sociological Imagination ay ang pag-iisip na ang bawat isa kung nais nilang magkaroon ng mas maayos na lipunan, nararapat na sila ay magkaroon ng isang kritikal na pag-iisip o ang Sociological Imagination kung saan babaguhin ang dating pananaw at titignan at susuriin ang kinalaman ng bawat indibidwal at ng mga pangyayari sa lipunan. Maraming iba't ibang uri ng  kapaligiran na kinabibilangan ng bawat indibidwal, at kung atin lamang titignan ng higit pa sa nakikita ng ating mga mata, tayo ay magkakaroon ng ugnayan, at upang ating makamit ito, kinakailangan na magkaroon ng abilidad na tinatawag na Sociological Imagination. 


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Feminismo

Rise of Consumer Society

The Consumer Society and New Means of Consumption