The Consumer Society and New Means of Consumption
Kilala bilang isa sa pinakamayamang tao si Henry Sy kung saan sya ay nagtatag ng isa sa mga pinakasikat na pamilihan ng tao, ang SM. Sa loob ng SM makikita mo ang iba't-ibang uri ng tao, may kanya-kanya silang mga binibili at pinupuntahan. Minsan, habang ako ay naglalakad-lakad, iniisip ko kung ano ang nasa isip ng ibang tao, kung bakit sila nandoon at iba pa. Marahil sila rin ay mayroong kaparehas na dahilan ng akin. Sa isang mall sa Alabang, may isang tindahan ng Milk tea na ang pangalan ay "Coco", isa sa mga pinipilahang mga tindahan sa mall na ito. Kung iisipin, sila isang normal na milk tea lang naman din ang itinitinda rito, ngunit bakit kaya napakahaba ng pila rito? Malalaman natin yan kung iisipin natin ang sinasabi ni Ritzer.
Ayon kay Ritzer, ang lipunan ngayon ay patuloy ang pagbili ng pagbili ng maraming bagay. Maraming mga sumisikat na kagamitan ngayon, halimbawa ang cellphone. Patuloy ang pag-usbong at pag-unlad ng teknolohiya sa panahon ngayon at isa sa mga kilalang teknolohiyang umuunlad ang cellphone. Kung mapapansin na masyadong mabilis na maglabas ng mga bagong modelo ang mga kumpanya ng cellphone. At kung mapapansin na karamihan sa tao, dahil may bagong labas na modelo, sila ay patuloy na bibili nito kahit na maayos at gumagana pa ang kanilang mga ginagamit na cellphone. Kung tutuusin, hindi naman malaki ang naging pagbabago at kaunti lamang ang mga madagdag na feature. Ngunit ang mga tao ay patuloy pa rin ang paggastos ng malaki kahit na gaano kamahal pa ang kanilang bibilhin. Ilan sa mga kilalang tatak ang Apple at ang Samsung kung saan naman ang mga tao ay mas tinatangkilik ang mga produktong ito dahil lamang sa pangalan pero kung iisipin, napakaraming ibang tatak na mas makatarungan ang presyo kaysa sa mga tatak na ito. Dahil yan sa kanilang kagustuhang magmukhang mayaman, marahil ang mga mayaman ay ganito talaga ang binibili dahil sa kanilang mundo, ganito ang normal nilang buhay. Ngunit para sa mga taong tama lamang ang kinikita at lalo na sa mga hindi naman mayaman, bakit patuloy silang tumatangkilik ng mga ganitong produkto? At bakit handang gumawa ng peke ang mga tao dahil lamang sa tatak? Kakaiba na ang mundo. Ang mga tao ay patuloy na nagagamit ng mga kapitalista at di nila ito namamalayan. Dati pa lamang ay gumagamit na ang mga kapitalista ng mga ganitong uri ng paraan. Mayroong mga kapihan, tindahan ng alak at iba pang maaaring pagkagastusan ng mga tao dati. Ngunit ngayon, dahil nagkakaroon ng pagbabago at nagkaroon ng teknolohiya ang mga tao ay nabuhay sa isang pekeng mundo. Mundo kung saan ang ipinapakita ng lipunan ay malayo na sa katotohanan, at mas gusto ito ng mga tao. Lalo na ang ginagawa ng mga online shops. Kung dati ay pumupunta pa ang mga tao sa mall upang mamili ng mga bagay na kanilang nais, sa mga online shops, ilang pindot lamang ay mabibili mo na ang iyong nais bilhin at hindi lumalabas ng iyong bahay.
Ganito nakita ni ritzer ang pagbabago ng mundo. Patuloy ang pagbabago at ito ay lalong bumibilis habang lumilipas ang panahon.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento