Ayon kay Durkheim
Napapansin nyo ba na sa isang opisina mayroong iba't-ibang ginagawa ang bawat isa. Ngunit halimbawa, sa isang pamilya kung saan di kasing dami ng nasa opisina ang tao. Kaya naman ang mga gawaing pambahay ay maaaring gawin ng kahit sino, depende sa desisyon ng may pinakamataas na kapangyarihan, ang nanay at ang tatay.
Ito ay ipinaliwanag ni Durkheim sakanyang ideya tungkol sa mechanical solidarity at organic solidarity.
Ang dami ng tao ay patuloy na nadaragdagan at kung ating iisipin hindi ganito karami ang tao dati. Anong sistema kaya ang meron noong mga panahong kakaunti pa lamang ang mga tao? Makikita natin na noong lumang panahon, ang sistema ng pamamahala dati ay pinamumunuan ng mga hari at reyna, kung saan ang paniniwala ay idinidikta lamang ng mga namumuno, kapag ikaw ay sumubok na mag-iba ng paniniwala, ika'y maparurusahan. Ayon kay Durkheim ang ganitong pagkakabuklod-buklod ay tinatawag na Organic Solidarity. Ito ay naaayon sa mga pagkakapare-parehas ng pinaniniwalaan.
At dahil mayroong tinatawag na collective consciousness na s'yang pumipigil sa iba na kumawala sa ganitong sistema, ang mga tao ay mayroong iisang paniniwala. Ang ganitong pagkakabuklod ay sa mga maliliit na grupo nalang makikita, halimbawa ay pamilya. May mga pamilya na kapag sila ay may mga negosyo o sila ay pamilya ng mga negosyante nararapat na ang bawat isang miyembro ng kanilang pamilya ay negosyante. Ngunit anong klase na ba ng pagkakabuklod-buklod ang mayroon sa ngayon?
Dahil nga sa patuloy na lumalaki ang populasyon o ang tinatawag na dynamic density, dumami rin ang iba't ibang mga paniniwala, trabaho at pagkakabuklod buklod ng mga tao. Tinawag itong Mechanical solidarity ni Durkheim kung saan sa isang grupo ng tao, mayroong iba't ibang mga gawain ang bawat isa, at ang pangangailangan ng isa ay makikita sa iba. Ganito gumagana ang sistema sa panahon ngayon, tayo ay may iba't ibang mga institusyon na gumaganap ng ispesipikong gawain upang gumana ang sistema sa isang lipunan.
Naipakita ni Durkeim sa'tin kung paano nagbago ang pagkakabuklod-buklod ng mga tao mula sa lumang panahon hanggang sa kasalukuyan kung saan tayo nabibilang.
Ngayong nakita na natin kung paano nagbago, makikita natin ngayon sa ating paligid at mas maiintindihan kung bakit mayroon tayong tinatawag na division of labor. Dahil sa makabagong panahon ay wala nang collective consciousness bilang sa isang kabuuan, malaya na ang mga tao sa kanilang mga gawain, paniniwala at iba pa na nagkulong sakanila noong panahon ng organic solidarity.
Ang dami ng tao ay patuloy na nadaragdagan at kung ating iisipin hindi ganito karami ang tao dati. Anong sistema kaya ang meron noong mga panahong kakaunti pa lamang ang mga tao? Makikita natin na noong lumang panahon, ang sistema ng pamamahala dati ay pinamumunuan ng mga hari at reyna, kung saan ang paniniwala ay idinidikta lamang ng mga namumuno, kapag ikaw ay sumubok na mag-iba ng paniniwala, ika'y maparurusahan. Ayon kay Durkheim ang ganitong pagkakabuklod-buklod ay tinatawag na Organic Solidarity. Ito ay naaayon sa mga pagkakapare-parehas ng pinaniniwalaan.
Sa isang lipunan, di rin mawawala ang mga tinatawag na norms, ito ay ang mga bagay na pinaniniwalaan at kinagawian ng karamihan. Sa bawat tao, may mga nakakaapekto sakanila kung bakit nila ginagawa ang norms kung tawagin, isang halimbawa nito ang relihiyon. Sa mga relihiyon, mayroon lamang na mga nararapat gawin at sundin din, kapag ikaw ay lumabag maaaring sa ibang relihiyon ikaw ay tatawagin nilang hindi ligtas, o kaya sa iba naman ikaw ay ititiwalag. Malaki ang impluwensya ng relihiyon sa bawat tao kaya naman kapag ikaw ay hindi nakisabay sa mga ito maaari kang magkaroon ng pakiramdam na hindi ka nababagay sa lipunang iyong kinabibilangan.
At ang mga batas ay nagbago, kung dati ay kamatayan ang kaparusahan o kung tawaging mata sa mata, ngipin sa ngipin, ngayon ay nagbago at napalitan ng mga pagmumulta at pagkakakulong.
Naipakita ni Durkeim sa'tin kung paano nagbago ang pagkakabuklod-buklod ng mga tao mula sa lumang panahon hanggang sa kasalukuyan kung saan tayo nabibilang.
Ngayong nakita na natin kung paano nagbago, makikita natin ngayon sa ating paligid at mas maiintindihan kung bakit mayroon tayong tinatawag na division of labor. Dahil sa makabagong panahon ay wala nang collective consciousness bilang sa isang kabuuan, malaya na ang mga tao sa kanilang mga gawain, paniniwala at iba pa na nagkulong sakanila noong panahon ng organic solidarity.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento