Revolution
Isa si Karl Marx sa mga sikat na identidad sa larangan ng ekonomiks at sosyolohiya dahil sa kanyang mga kamangha-manghang mga ideolohiya.
Ngayon nais kong ihayag sa inyo anu-ano ang aking mga pananaw ukol sakanyang mga ideolohiya.
Para kay Marx rebolusyon ang sagot upang magkaroon ng pagbabago sa sistema. Si Marx ay hindi umaayon sa kapitalismo, at upang mabago ang ganitong sistema, kinakailangang magrebolusyon ng mga tao. Ang mga tao ay may kakayahang maging perpekto at magawa ang mga bagay na naaayon sa kanilang mga kakayahan. Ngunit ang mga tao ngayon ag nabubuhay na lamang upang mabuhay, sila ay nagtatrabaho upang kumita, at ang kanilang kikitain ay gagamitin nila upang sila ay makabili ng mga bagay na kailangan nila upang mabuhay katulad ng pagkain, damit, tubig, tirahan at iba pa. Sila ngayon ay nakakulong sa ganitong kaisipan na katulad ng pamumuhay ng mga hayop. Ngunit nararapat na malampasan ng tao ang ganitong uri ng pamumuhay, ang tao ay may consciousness di katulad ng mga hayop na instincts lamang ang mayroon. Kung paiiralin nila ang ganitong pag-iisip, magagawa nilang lampasan ang mga bagay na ginagawa ng isang taong nagtatrabaho upang mabuhay. Ngunit sa sistema na mayroon ang mga lipunan, ang mga tao ay nalilimitahan sa kung ano lamang ang kanilang nararapat na gawin. Halimbawa, ako bilang estudyante, ang kailangan ko lamang gawin ay mag-aral at ipasa ang aking mga asignatura, pagkatapos ako ay magtatrabaho upang matugunan ang aking mga pangangailangan sa buhay. Ngunit dahil nabuksan ang aking isipan sa ganitong ideya, ako mayroong kakayahan na gawin ang mga bagay sa aking buong potensyal.
Hindi lamang ako bumabase sa kung ano ang aking nararapat na gawin ngunit mayroon pa akong ibang mga bagay na kayang gawin. Dito maipapakita na kaya ng mga tao na maging perpekto, ngunit dahil sa sistema ng lipunan nakukulong at nalilimitahan ang kakayanan ng mga tao.
Kung ating titignan, ang mga tao na nabubuhay upang kumita para sila ay magsurvive, sila nga ba talaga ay nagsusurvive??? O sila ay patuloy na ibinababa ng lipunan na kanilang kinabibilangan? Nais ko na makita nyo na tayo ngayon ay nararapat na maging malaya mula sa ganitong sistema ng pamumuhay, kung ikaw ay nagtatrabaho nararapat na kumita ka ng nararapat at higit sa ibinibigay sa'yo ng iyong amo, dahil ang iyong kakayanan ay kayang kumita higit pa sa iyong sinusweldo. Buksan n'yo ang inyo isip at gumawa ng paraan upang magamit nyo ang inyong buong potensyal. Ang mga kapitalista ay nagagawa ang ganitong pag-iisip ngunit ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan upang mang-alipin ng mga nasa ibaba. Tayo bilang tao ay maaaring gamitin ang ating buong potensyal na hindi katulad ng paggamit ng mga kapitalista. Ngunit tayo ay walang kapangyarihan at resources na mayroon sila. Maaari lamang tayong magkaroon ng kapangyarihan kung tayo ay magsasama-sama at magkakaroon ng pagkakaisa sa iisang ideya.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento