Rationalization
Kung mapapansin natin sa ating kapaligiran, maraming mga signages ang nakalagay sa kaliwa't kanan ng ating daan. Bawal tumawid dito nakamamatay, bawal umihi dito, bawal magtapon ng basura dito, at marami pang iba. Tayo ay nabubuhay sa isang organisadong lipunan kung saan maraming batas at mayroong sistemang sinusunod.
Tayo ay nabubuhay ngayon sa isang modernong lipunan, at ayon kay Weber, upang mas maintindihan natin ang makabagong lipunan kailangan natin ng rationalization.
Dito tinigtignan natin ang lipunan ayon sa mga indibidwal. Tayo ay nagrarationalize kahit sa mga simpleng bagay. Halimbawang ikaw ay papasok sa eskwelahan, iisipin mo kung ano ang pinakamabilis o madaling paraan upang makarating sa iyong pupuntahan.
Sa ating lipunang kinabibilangan ngayon, titignan natin kung paano nagiging organisado ang ating lipunan.
Mayroon tayong mga batas na sinusunod upang maging maayos at magkaroon ng sistema. Ito ay ipinapatupad ng ating mga namumuno. Nakakabilib isipin na ang tao ay mayroong kakayanang mag rationalisa.
Kung ating makikita, sa panahon pa lamang ni Weber ay naintindihan na nila kung paano naoorganisa ang lipunan at kung paanong ang mga Protestantismo ay nagkaroon ng pag-iisip na syang may malaking parte sa pagusbong ng rasyonalisayon.
Isa pa sa pinakamalagang makita natin ay kung paano tayo nagkakaroon ng mga namumuno o kung paano sila namumuno. May mga taong nagrarally dahil sa mga namumunong di nagugustuhan ng mga tao ang kanilang pamumuno, dahil yan sa kapangyarihang ginagamit ng mga namumuno. Ngunit mayroon din namang mga namumuno na talagang sinusunod ng mga tao dahil yun ang autoridad na nakaatas sakanila.
Kapag tinignan nating mabuti ang lipunan, ang sistema ang dahilan kung bakit may kaayusan sa lipunan o kung bakit organisado ito. Ngunit kapag ito ay sumobra, ang mga tao nakukulong na lamang sa ganitong sistema at di na nila nagagawa kung ano pa ang kanilang kayang gawin. Ito ay isang di makataong pamamaraan ng lipunan.
Sa ating modernong lipunan ngayon, nararapat na makita natin kung tayo ba ay nakakulong na sa isang sistema at naaabot pa ba nating ang ating buong kakayahan. Kung nagawa ito ng mga protestants noong nakalipas na panahon, ano pa tayong mga bukas na ang isip sa lipunang ating kinabibilangan. Nararapat na makita natin kung paano ba nararapat ang kaayusan sa ating sistema dahil maaaring di lamang natin napapansin na tayo ay nakakulong na sa kapangyarihan ng mga namumuno dahil ito ay atin nang nakasanayan.
Kung kaayusan ang susi supang maintindihan natin ang makabagong lipunan, nararapat pa rin na mabuksan ang ating mga mata sa mga ginagawa ng ating mga namumuno. Maaaring sinasabi nila na ang ating lipunan ngayon ay maayos dahil sa kanilang mga batas, halimbawa ay ang pagpapababa ng edad ng kriminalidad, marahil akalain natin na ito ang magiging solusyon ng kaayusan, tignan natin ito ng mabuti at kung ang paggamit ba ng ating mga namumuno sa kanilang mga kapangyarihan ay naaayon pa ba upang maiayos ang lipunan o tayo'y makukulong sa sistema sa kanilang kagagawan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento