Rise of Consumer Society
Mula sa ating mga napag-usapan ayon sa mga ideya ni Marx, naipakita na ang mga kapitalista ay kinokontrol at inaalipin ang mga taong nasa ibaba nila. Astig diba? Charot lang! Hahaha! Pero matalino rin ang mga kapitalista, di sila nagpaiwan sa panahon. Kakaibabe! Kung dati sila ay nang-aalipin ng mga taong nasa ibaba nila sa produksyon. Aba! Matalino ang mga hayop! Nagamit nila ang pagiging materyalistik ng mga tao sa kanilang pang-aalipin. Alam nyo naman ang mga tao, basta may pera, hala sige! Bili lang bili! Kaya ayun nagamit ito ng mga kapitalista.
Yan ang napansin ni Jean Baudrillard(parang John ang bigkas sa kanyang pangalan). Napakatalino at mapagmatyag ni Ginoong Baudrillad na isang Pransiskanong sosyolohista. Napansin nya na ang mga kapitalista ay kinokontrol ang mga tao sa kung anong kanilang binibili. Ang mga tao naman, basta may bagong lalabas na produkto o kaya naman ay may mga sumisikat sa karamihan, sila ay bibili. Madali silang nalilinlang ng mga kapitalista. Gumaw ang mga kapitalista ng mga mundong hindi totoo, o tinatawag na simulation. Maraming uri ng simulation sa ating panahon ngayon, di n'yo lang napapansin dahil isa rin kayo sa nabibiktima nito. Halimbawa, ang Disney Land. Isang napakagandang lugar, malinis kawili-wili, at kamangha-manghang lugar na nais puntahan ng maraming tao. Sa pagpasok mo sa lugar na ito, makakalimutan mo ang katotohanan sa labas. Dahil sa sobrang ganda ng lugar na ito, natutuwa ka sa pananatili mo at handa kang gumastos ng malaki dahil sa kagandahang naipapakita ng lugar na ito. Napakatalino nga naman ng mga kapitalista. Binibigay nila ang nais mo, at binibigay mo rin ang nais nila. Nais mo ng kaligayahan? Ibibigay nila yun sa kanilang pamamaraan, basta ikaw ay magbabayad. Hindi na nalalaman ng tao ang katotohanan dahil ibinabase na nila ang katotohanan o kanilang pamumuhay sa nakikita nila sa mga simulation world na ito. Yan ay mayroong iba't-ibang uri, mayroong para sa mga matatanda, mayroong para sa mga kabataan, at mayroon ding para sa lahat. Ang mga concert na inyong pinupuntahan? Yan ay nakabase sa iyong edad. Malamang ang panonoorin mo ay ang naayon sa iyong edad. Ito ay tinatawag na code. Napakagaling ng mga kapitalista. Dahil ang mga bagay na yan ay nalinlang ang mga tao mula sa pagbili kung ano ang kailangan nila hanggang sa kung ano na gusto nila. Dahil naibibigay nito ang mga gusto nila, patuloy ang pagtangkilik ng mga tao.
Kaya kung ikaw na nagbabasa rito ay naisip na kabilang ka sa mga nalilinlang ng mga kapitalista sa simulation na kanilang ginagawa, aba ay mag-isip isip ka na. Maaaring nasisilaw ka sa mga bagay na di naman mahalaga at kung makagastos ka ay sobra-sobra. Magbago ka na kapatid!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento