Mcdonaldization

Isa sa mga paborito nating pagkain ay matatagpuan, hindi sa loob ng ating mga bahay kundi sa loob ng "fast food".  Sa loob nito nabubuo ang iba't-ibang mga usapan ideya at kabusugan. Ngunit sa loob din ng isang fast food ay makikita ang isang ideya na ginamit ng maraming mga namumuno upang sila ay maging maunlad.

Ikaw bilang isang parokyano ng kanilang mga produkto, wala kang pakialam sa kung anong nangyayari sa loob ng kanilang kusina. Ang mahalaga lamang sa'yo ay ang makuha ang iyong order  at kumain. Ngunit kung titignan natin ng mabuti, may kung anong nangyayari sa loob nito, isang hindi makataong pamamaraan na syang patuloy na ginagawa hanggang sa ngayon.

Kung ikaw ay magiging isang trabahador ay makikita mo at mapagtatanto mo na ang iyong mga ginagawa bilang isang trabahador ay limitado lamang sa kung anong sinasabi sa'yo. Ikaw ay isang parang makina na gagawin lamang kung ano ang nakaatas mong gawin. Dahil sa kagustuhan ng mga namumuno na maging maunlad ang kanilang mga negosyo, ikaw ay nararapat na maging isang mahusay na trabahador. Lahat ng iyong gagawin bilang isang trabahador ay bilang at kalkulado lamang, at dahil dun,  Lahat ng kilos at gawa ay nahuhulaan.

Maaaring ang ganitong pamamaraan o uri ng control ay makikita sa mga fast food ngunit kung ating malayang bubuksan ang ating mga isipan at ang ating mga mata, makikita mo na pati sa isang malaking institusyon, ito ay makikita. Ang ating gobyerno ay isang malaking halimbawa ng ganitong sistema. Makikita natin na kung sinuman ang matutong lumaban sa gobyerno ay maaaring ipapatay o makulong. Yun ay isang uri ng control kung saan nililimitahan nila kung ano ang nararapat lamang nating gawin sa loob ng isang bansang sila ang namumuno.

Ang ganitong uri ng sistema ay napaka hindi makatao, at kung ating titignan mula sa mga una nating napag-usapan, talaga nga bang tayo ay nakawala na sa problema ng nakalipas, o tayo lamang nagkakaroon ng mas malalang sitwasyon, kung saan ang sinasabi ni Durkheim na mechanical solidarity ay hindi talaga natin nakamit, kundi tayo lamang ay nasa makabagong pamamaraan ng isang organic solidarity. Dito sa makabagong panahon, lumalabas na lamang sa maliliit na grupo ang ganitong pagbubuklod ngunit kahit na sa maliliit lamang na grupo ito nakikita, kung marami naman ang mayroong ganitong uri ng sistema, para rin lamang na nakabuo ng isa lipunang binubuklod ng isang paniniwala dahil sa kontrol ng mga nasa itaas.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Feminismo

Rise of Consumer Society

The Consumer Society and New Means of Consumption