Kasaysayan ng sosyo
Ang galing kung titignan natin na ang lahat ng bagay ay may pinagmulan. Lubhang mamangha ka sa mga pagbabagong naganap at kung paano ito naging ito sa ngayon. Ang bawat nakikita natin sa paligid ay mula sa iba't ibang mga tao na nagbigay o naglaan ng kanilang mga oras upang pag-aralan ang mga bagay na ito. Katulad din ng ibang mga bagay ang ating lipunan, kung paano tayo mag-isip ngayon o kaya naman kung paano nagkaroon ng iba't ibang institusyon, ang lahat ng ito ay may pinagmulan. Kung akala n'yo na ang pag-aaral ng kasaysayan katulad ng mga tinutulugan nyong klase sa inyong mga paaralan ay balewala lamang, nagkakamali kayo. Kung hindi natin pag-aaralan ang kasaysayan ng sosyolohiya, maaaring ang ating pag-iisip ngayon ay hindi mabuksan o kaya naman ay wala tayong alam tungkol ating lipunan.
Kung dati, nagkaroon ang mga tao ng tanong at mga haka-haka tungkol sa lipunang kanilang kinabibilangan, tingin nyo ba maaaring mangyari ulit ito sa ngayon? Ako, bilang isang parte ng lipunan o kahit simpleng indibidwal, marami akong mga tanong sa aking isip tungkol sa aking mga desisyon, at mga bagay bagay na nangyayari sa aking paligid. Aking hinihikayat na ikaw, bilang mambabasa nitong blog na ito, ay alamin di lamang ang mga nangyayari sa paligid mo, kundi sa lipunan mo. Makatutulong ang pag-aaral ng kasaysayan ng sosyo upang makita mo kung paano nag-isip ang mga sosyolohista at mga pilospo. Isang malaking aral din sa pag-aaral ng kasaysayan ng sosyo ay ang mga aral na kanilang natutunan at hindi muling maging pagkakamali ng ating henerasyon sa ngayon. Maaaring ang iba ay nakikita mong namumuhay pa sa makalumang panahon, kung saan ang kanilang ang kanila mang pamumuhay ay moderno ngunit ang paniniwala ay makaluma. Katulad nila, Comte at Marx, tayo rin ay nararapat na pag-aralan ang ating lipunan, kung gusto mong magkaroon ng pagbabago at umunlad ang iyong kinabibilangang lipunan, hindi maaaring manatili ang iyong pag-iisip sa isang lumang paniniwala na napatunayan nang hindi totoo o kaya ay isang huwad na katotohanan kung tawagin. Sa isang modernong panahon, buksan mo ang iyong isip. Ngunit ganito ba ang nangyayari sa kasalukuyan? Tignan mo ang iyong paligid at pansinin kung talaga bang moderno nang mag-isip ang bawat isa sainyo, o patuloy pa rin kayong nakakulong sa mga lumang paniniwala.
Bilang isang may pakialam na mamamayan, nais kong buksan natin ang ating isip. Tignan ang Pilipinas at pag-isipang mabuti ang mga nagaganap dito. Totoo nga bang may kapangyarihan ang mamamayan, o kinokontrol lamang tayo at ang ating pag-iisip ng mga makakapangyarihang tao sa ating bansa. At patuloy na sila ang namumuno, bukas man ang kanilang isip ngunit sakim ang kanilang mga puso. Ikaw bilang isang mamamayang bukas ang isip, ano ang iyong nararapat na gawin?

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento