The Consumer Society and New Means of Consumption
Kilala bilang isa sa pinakamayamang tao si Henry Sy kung saan sya ay nagtatag ng isa sa mga pinakasikat na pamilihan ng tao, ang SM. Sa loob ng SM makikita mo ang iba't-ibang uri ng tao, may kanya-kanya silang mga binibili at pinupuntahan. Minsan, habang ako ay naglalakad-lakad, iniisip ko kung ano ang nasa isip ng ibang tao, kung bakit sila nandoon at iba pa. Marahil sila rin ay mayroong kaparehas na dahilan ng akin. Sa isang mall sa Alabang, may isang tindahan ng Milk tea na ang pangalan ay "Coco", isa sa mga pinipilahang mga tindahan sa mall na ito. Kung iisipin, sila isang normal na milk tea lang naman din ang itinitinda rito, ngunit bakit kaya napakahaba ng pila rito? Malalaman natin yan kung iisipin natin ang sinasabi ni Ritzer. Ayon kay Ritzer, ang lipunan ngayon ay patuloy ang pagbili ng pagbili ng maraming bagay. Maraming mga sumisikat na kagamitan ngayon, halimbawa ang cellphone. Patuloy ang pag-usbong at pag-unlad ng teknolohiya sa panahon ngayon at isa sa mg...