Mcdonaldization
Isa sa mga paborito nating pagkain ay matatagpuan, hindi sa loob ng ating mga bahay kundi sa loob ng "fast food". Sa loob nito nabubuo ang iba't-ibang mga usapan ideya at kabusugan. Ngunit sa loob din ng isang fast food ay makikita ang isang ideya na ginamit ng maraming mga namumuno upang sila ay maging maunlad. Ikaw bilang isang parokyano ng kanilang mga produkto, wala kang pakialam sa kung anong nangyayari sa loob ng kanilang kusina. Ang mahalaga lamang sa'yo ay ang makuha ang iyong order at kumain. Ngunit kung titignan natin ng mabuti, may kung anong nangyayari sa loob nito, isang hindi makataong pamamaraan na syang patuloy na ginagawa hanggang sa ngayon. Kung ikaw ay magiging isang trabahador ay makikita mo at mapagtatanto mo na ang iyong mga ginagawa bilang isang trabahador ay limitado lamang sa kung anong sinasabi sa'yo. Ikaw ay isang parang makina na gagawin lamang kung ano ang nakaatas mong gawin. Dahil sa kagustuhan ng mga namumuno na maging maunlad...