Ayon kay Durkheim
Napapansin nyo ba na sa isang opisina mayroong iba't-ibang ginagawa ang bawat isa. Ngunit halimbawa, sa isang pamilya kung saan di kasing dami ng nasa opisina ang tao. Kaya naman ang mga gawaing pambahay ay maaaring gawin ng kahit sino, depende sa desisyon ng may pinakamataas na kapangyarihan, ang nanay at ang tatay. Ito ay ipinaliwanag ni Durkheim sakanyang ideya tungkol sa mechanical solidarity at organic solidarity. Ang dami ng tao ay patuloy na nadaragdagan at kung ating iisipin hindi ganito karami ang tao dati. Anong sistema kaya ang meron noong mga panahong kakaunti pa lamang ang mga tao? Makikita natin na noong lumang panahon, ang sistema ng pamamahala dati ay pinamumunuan ng mga hari at reyna, kung saan ang paniniwala ay idinidikta lamang ng mga namumuno, kapag ikaw ay sumubok na mag-iba ng paniniwala, ika'y maparurusahan. Ayon kay Durkheim ang ganitong pagkakabuklod-buklod ay tinatawag na Organic Solidarity. Ito ay naaayon sa mga pagkakapare-parehas ng pinaniniwal...